Masaya Kasi Maging Panday

Masaya Kasi Maging Panday

Natural na sa ating mga Panday ang pagiging palabati at palangiti. Isa ito sa mga nagustuhan ng ating mga Panauhin. Kaya kung mapapansin mo kahit nasa labas ka na ng tindahan at may nakasalubong kang Panauhin parang naka-auto smile na sila lalo na kung nakikita nila na naka uniform ka ng Pandayan. Nakakatuwa lang at sa ganitong pamamaraan ay nakakapagpangiti tayo ng Panauhin. Marahil kaya sila napapangiti ay nagugustuhan nila ang maayos na serbisyo nating mga Panday. Totoo naman ngang kakaiba ang serbisyo nating Panday at ito ang mga tumatatak sa ating mga Panauhin kung bakit bumabalik-balik sila at patuloy na tumatangkilik. Kagaya na lang nitong nakaraan hindi pa ako ganoon katagal dito sa branch na ito pero sa tuwing lalabas ako para kumain sa tanghali kapag may nakakasalubong ako ay nakangiti itong sumasalubong at bumabati. Kung kaya mapapangiti ka na rin lang bigla. Nakakatuwa lang isipin na ang mga ganitong pangyayari ay nakakataba talaga ng puso.